The Diary Game Season 3 [07-10-2022] || Ang Una naming Church Service sa Patag Manticao bilang Workers at ang Pagbisita namin sa Kanipulan Falls ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜‡๐Ÿž๏ธ

in hive-169461 โ€ขย  2 months agoย 

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Maraming magagandang pangyayari sa ating mga buhay na maipagsasalamat natin sa Dios, lalong lalo na ang walang hanggang pagbibigay sa atin ng buhay at lakas upang magawa natin ang mga bagay na ipinapagawa Niya sa atin.

Nitong nagdaang araw ay naibahagi ko ang matagumpay naming mission sa isang Barangay dito sa amin, ito ay sa Patag Manticao at sa araw na ito ibabahagi ko ang kauna-unahang Church Service namin dito at upang makapagpahinga kami ay binisita din namin ang isang falls sa Tagbalogo, ang Kanipulan Falls.

jpg_20220715_000102_0000.jpg

Sa aming visitation nga nitong Sabado ay inencourage namin ang mga nabisita namin na magpunta sa Church upang samahan kami sa aming unang Church Service bilang mga bagong workers dito sa Patag. Meron mga iilan na nagsabing pupunta sila pero hindi pa segurado.

Dumating na nga ang araw na linggo at excited ako kasama ng aking mga kasamang workers sa aming unang Church Service sa Patag dahil malalaman na namin kung meron ngabang darating upang samahan kami. Nakarating kami doon sa Church mga nasa 8:30 na ng umaga at naghintay kami kung meron ngabang darating. Sumapit ang mga 9:30 ay wala pa ring dumating at kami pa lang mga workers ang nandoon, hanggang napag desisyonan namin na pagsapit ng 10:00 ng umaga ay magsimula na kami kahit kami lang at ang dating Pastor at ilang mga anak niya.

Noong malapit ng mag 10:00 ay merong biglang dumating at yon ay ang iba pang mga anak ng dating Pastor dito, salamat sa Dios dahil kahit papano ay nadagdagan kami, kaya sinimulan na namin ang aming pagsamba sa Dios. Pinangunahan ito ni Ptra Ivy bilang Emcee at ako anh naatasan sa opening prayer, sinundan ito agad-agad ng Praise and Worship na ang nagdala ay si Ptra @emzcas.

IMG_20220710_102556_945~2.jpg

Pagkatapos ng mga pag-awit at pagsamba sa Dios o ang Praise and Worship na pinangunahan ni Ptra Jetma ay sinundan din ito agad-agad ni Ptra Mayeth na siyang naka assign na magbahagi ng mga Salita ng Dios. Doon nga ay marami kaming mga natutunan sa mga Salita ng Dios dahil ang pamagat ng kanyang ibinahagi ay ang "Benefits of Having True Relationship with Christ". Nagpapasalamat talaga kami sa Salita ng Dios dahil nagbigay ito ng pag-asa habang tayo ay may buhay pa.

IMG_20220710_110910_318~2.jpg

Natapos si Ptra Mayeth mga nasa oras na 11:00 ng umaga at dahil medyo maaga pa din naman sya ay nagsagawa muna kami ng pagbahagi ng mga Testimony lalong lalo na ang dating Pastor dito at ang kanyang mga anak. Ngayon ay isa-isa na silang nagbahagi at taos puso ang kanilang pasasalamat sa mga Salita ng Dios na kanilang narinig dahil ito ay nagbigay sa kanila ng linaw sa kanilang pananampalataya sa Dios. Ibinahagi din nila ang ilan sa mga nangyari sa kanilang mga buhay na sa hirap ng buhay dahil sa pandemic ay binigyan pa rin sila ng malakas at magandang pangangatawan. Mga nasa oras na 11:30 ay natapos na din ang aming Church Service at umuwi na din kami at nagpunta sa mga Church talaga namin dahil maaga pa din naman.

Kinahaponan naman para maibasan ang pagod na aming nararamdaman sa buong linggong gawain ng Dios ay nagpunta kami sa isang falls sa Tagbalogo Naawan Misamis Oriental dahil ilang araw na din namin itong napag planohan at sawak ay nagawa na din namin. Nakarating nga kami doon mga nasa oras 2:00 ng hapon at salamat sa Dios dahil safe kaming nakarating doon, at sa pagdating namin ay naghintay na sa amin ang mga kabataang kasama namin na doon nakatira.

Sa pagdating nga namin ay manghang-mangha kami dahil sobrang ganda at nakaka relax ang lugar. Ito din ang kauna-unahang pagkakataon na nakarating kami at na witness namin ang ganda ng lugar kaya talagang nagpapasalamat kami sa Dios. Dito nga ay naligo kami para maibsan ang pagod at makapag bonding din kami sa mga kabataan dito sa lugar na ito. Mga ilang oras din kaming naligo dito at mga nasa oras na 5:00 ng hapon ay napag desisyonan namin na umuwi na baka abotan pa kami ng dilin. Naka uwi na din kami ng pagod, masaya at lignas at itong lahat ay maipagsasalamat namin sa Dios lamang.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™โ˜

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order: ย 
ย  ยท ย 2 months agoย 

uy kanice sa waterfalls.. naa jd time na gamay ra mochurch.. nganu naundang ang service ani na church before pas?

ย  ยท ย 2 months agoย 

Naay problem between sa Pastor ug members...unya karon nag retire na ang Pastor kay tigulang na pud...maong kami na lang sa ang mga worker...9 me kabuok...