Practice muna #Thediarygame #Club5050 August 5,2022

in hive-169461 •  2 months ago 

Hello sa lahat ng aking ka steemit Friends... At sa buong mundo...

Una gusto kong magpasalamat sa ating Panginoon sa araw araw na blessings na binibigay niya sa akin , sa pamilya ko at sa ating lahat....

Ibabahagi ko lang sa inyo guys ang unang pag hugas ng plato sa nag iisa kong anak na Si John Maynard...

IMG20210703173606.jpg

Gusto niya kasing maghugas ng plato so ayun pinagbigyan ko siya hehe.. at tama din yun nang matuto siya sa gawaing bahay.. habang naghuhugas siya ng plato tinuturuan ko siya kung paano.

Una sabi ko sa kanya banlawan mo muna ang plato tanggalan mo ng kanin at ilagay sa isang lalagyan pagkatapos mo kunin mo na yung sponge at lagyan mo ng sabon ( dishwashing liquid ) unang mong sabonan ang baso pagkatapos plato at spoon....

Ayun sumunod naman ang aking baby na ngayon lang mabait at naisipang maghugas ng plato...

IMG20210703173624.jpg

At sabi ko after mong mag hugas lagi mong linisin ang lababo para malinis tingnan tanggalin mo ang kanin tapos punasan after maghugas patuyuin ang lababo...

Habang bata pa sila kailangan nang sanayin sa mga gawaing bahay yung mga basic lang muna like mag hugas mag walis lang muna.. yan lang muna ang tinuturo ko sa ngayon kasi 8 years old palamang ang aking anak ..

Ayoko din na biglian siya sa gawaing bahay...
Naawa din ako... Inisip ko kasi kami dati 6 years old pala kami na halos ang gumagawa sa gawaing bahay mag hugasag igib ng tubig mag walis maglaba mag kuha nh kahoy sa bundok at marami pang iba..

Kaya ngayon sa anak ko hindi nila maranasan yung narasan namin noon na grabe.. siguro pag high school na siya tuturuan ko na naman siya kung paano mag laba....

Ang saya saya niya sa maliit na accomplishment niya today ...
Bukas din daw ulit siya mag hugas ng plato.. sabi ko sa kanya
Basic lang muna sa ngayon pag malaki na ikaw na lahat mag luto, maglaba sabi niya sakin opo mama. Masunurin talaga haha..

So guys dito lang muna ang aking short diary bukas ulit at akoy matutulog na may duty pa bukas ..

Thank you for always supporting my blog...

Goodnight Everyone!!!!

Take care And God bless!!!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Hi @jonna.ando!

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

Thank you for creating quality content in the Steemit Philippines Community.

Visayas Moderator,

@me2selah

Thank you for supporting my blog maam. God bless!!!

May bago ka nang tagahugas sis. At maganda din na habang bata pa ay alam na mga gawaing bahay.

Evaluation date : Aug 10, 2022

DetailsRemarks
#steemexclusive
atleast #club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Delegator
Verified Member/Visitor

Hehe oo nga po maam sana Hanggang sa paglaki hindi tamad 😅