Extra income #Thediarygame #club5050 #income August 15,2022

in hive-169461 •  2 months ago 

Amazing Monday sa ating lahat steemit Friends Philippines community ko at sa buong mundo.....

Sanay nasa mabuting kalagayan tayong lahat ngayon... And Thank you God for another day to celebrate......

Gabayan mo kami palagi Lord lalong lalo na ang aking mama at papa mga kapatid at anak ko...
Especially me na laging umaalis ng bahay going to work....

Every morning ito po ang ginagawa ng aking biyanan gumagawa siya ng basahan na bilog...

IMG20220806111943.jpg

Si husband ko yung nag tatahi ng mga nabuo nilang basahan...
Malaking tulog na din po ito sa pang araw araw na expenses... Kaya todo kayod po kasi yung biyanan ko lang na lalaki ang nag tatrabaho sa ngayon....

IMG20220812092631.jpg

Medyo mahirap siyang gawin guys lalo na sa mga bagohan na tulad ko hehe
Pero kung pursigido ka walang impossible
Natuto din akong gumagawa kaso nga lang ang tagal kong makabuo ng isa at minsan ang pangit pa ng mga finished product ko kaya inuulit ni husband.. haha

Dati kasi may patahian po talaga ang biyanan ko marami silang mananahi at marami ding mga makina. Dahil sa covid 19 na hinto ito at dahil nagsasarado yung mga suki nila at yung iba naman nalugi kaya nahinto...
Malaking tulog talaga to sa kanila dati minsan kinukontrata sila ng sm at mga pagawaan ng mga damit...

Dito na rin sila kumukuha ng pang araw araw na gastosin nila at pag paaral ng dalawa niyang pang anak sa college....

At nung dumating ang bagyong ulysis binaha ang lugar nila at yung ibang makina nasira at kinalawang kaya tatlo nalang yung nagagamit nila....

Ngayon mga order nila tag 1000 minsan 500 pero minsan lang din sa isang linggo..
Kulang parin kasi yung kita ng biyanan kong lalaki sa pag mamaneho ng truck doble kayod na kasi dahil may face to face na pasahe ng dalawang niyang anak sa college at tuition fee...

Magkano lang din ang sahod ng driver ngayon nasa 575 ang per day lumalaki lang sa mga overtime at minsan may holidaya din...

Pero hindi parin sapat yung sahod kaya extra income na din tong pag gawa ng basahan....

Basta mag sipag lang talaga walang impossible may mararating tayo

IMG20220812092657.jpg

Ito yung finished product talaga ang ganda ....
Kahit medyo hussle siya gawin sa simula kasi isa isa talagang gawin at at kailangan maayos ang pagkalagay para hindi masira pag tinatahi na...

Marami na din suki ang biyanan ko...
Minsan sa isang araw nakakagawa kami ng 500 tapos every day ginagawa namin pero yun nga kulang parin ang kita...

Pero thankful parin kami sa mga taong nag titiwala at kumuha ng basahan sa amin..
Malaking tulong po kayo sa pamilya namin....

Hanggang dito lang muna ang aking short diary...
Maraming salamat po sa walang sawang pag suporta sa aking diary mga ka steemit....

God bless po sa ating lahat..

Take care Everyone and have a nice day!!!!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang dami ng 500. Buti nalang tulong2 kayo sa paggawa.

StatusRemarks
#steemexclusive✔️
At least #club5050✔️
Plagiarism free✔️
Bot free✔️
At least 300 words✔️
Verified member✔️

Luzon Mod
@kneelyrac

Yes po maam dami kasi order minsan 1k kaso tagal lang din gawin hehe

TEAM LUCKY DIP

Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator09.
We support quality posts anywhere and any tags.
Curated by : @nadeesew

Thank you so much ❤️