Diary Game Season3||March 11, 2022|| Ang Kaarawan Ng Aking Ama

in hive-169461 •  7 months ago 

Magandang gabi sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines.

Lahat tayo dito sa mundo ay may kanya-kanyang espesyal na araw para sa ating buhay. Ngayong gabi ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang espesyal na araw ng aking Ama, sa kanyang ika 54 na kaarawan kahapon.

Umaga palang ng ika 10 ng Marso 2022, ay maaga akong akong bumangon para magpatogtug ng Birthday song para sa aking Ama. Habang naglilinis kami sa boung bahay ay ramdam ko ang kasayahan dahil sa selebrasyon. Nakita ko rin sa mukha ni Papa ang kasayahan dahil sa kanyang kaarawan.

Bisperas pa lang ng kanyang kaarawan ay nagsabi na siya na kakatayin ang isang manok para sa haponan, hindi niya alam na bibili pa ako mg isang manok at isang manok din ang bibilhin ni Mama.

IMG20220310183537.jpg

Nagpaalam muna si mama sa kay papa para bumili ng pandesal habang abalang-abala sa pagluluto ang aking Ama. Ito ang kanyang nilotu, sinabawang manok. Mahilig kasi siyang kumain nito kaya ito ang potahe na niluto niya.

Nilagyan niya ng malunggay para mas maging masarap habang ako naman ay abalang-abala sa pagkuha ng letrato.

IMG20220310183534.jpg

Laking gulat nalang ni papa nang dumating ang aking ina na may dalang isang supot ng fried chicken. Hindi kasi niya alam na yun pala ang plano ni mama para sa kanyang kaarawan.

IMG20220310183530.jpg

May kasama pang pansit. Ito kasi ang paboritong kainin niya kaya ito ang binili. Bumili din si mama ng 4 na loaf ng sliced bread para may pares ang pansit. Masarap kasi itong ipalaman sa tinapay.

IMG20220310183525.jpg

Bumili din ako ng isang kilo ng manok para may pandagdag sa handaan. Ako rin mismo ang nagluluto at adobo ang potahe na niluto ko. Pagkatapos ng pagluluto ay agad kaming nagdasal, at masayang kumain.

Napakasaya ng buhay kapag sama-sama ang pamilyang kumaikain. Lalo na kapag may mga espesyal na araw.

Sa mabuti at mabait kong Ama, Happy 54th Birthday sayo, nawa ay mabigyan ka pa ng maraming kaarawan, palaging malusog ang pangangatawan at biyaya mula sa Panginoon.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang gabi sa ating lahat.

jb123.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Happy Bday parekoy

Salamat sa greetings nay.. Godbless 😊

Happy Birthday Kay Papa mo. Buti Masaya Siya sa kaarawan niya. Oo, nga pag completo Ang familia mag Salo Salo napakasaya.

Salamat po ate.. 😊😊 tama.

Happy birthday to your papa🎊🎊🎊 May the Lord strengthen him always with the guidance and protection...
Gusto ko tuloy makikain jan, gusto ko yang sinabawang manok na may malunggay, nakakagutom na 😄

Salamat po. Godbless you po. 😊😊