Diary Game Season 3|| May 8, 2022|| "Ang Kalikasan"

in hive-169461 •  5 months ago 

Magandang umaga sa ating lahat mga kaibigan at kapwa myembro dito sa @steemitphilippines.

png_20220508_062840_0000.png

Ang magandang kapaligiran at kalikasan ay bigay sa atin ng Dios. Kapag meron tayo nito, ang sarili natin ay payapa at makakarelax ang puso at isip. Ito ang ibabahagi ko sa inyo mga kaibigan ngayon araw ng linggo.

Mahilig akong maglakad-lakad tuwing umaga at napagpasyahan kong pumunta sa Bundok upang makalanghap ng sariwang hangin at makapag-ehersisyo ang katawan. Umaga pa lang ay nagsimula na akong maglakad, maganda kasi kapag hindi tirik ang araw para hindi mainit.

Sa pagpunta ko dito sa lugar ay nakikita ko na tahimik, payapa. May mga tao na pumupunta dito para magbike at maghiking paborito kasi ng ilang mga tao ang lugar na ito dahil malinis, presko at magandang pag-insayuhan ng bike.

IMG20220501055008.jpg

Sa patuloy kong paglalakad sa lugar, nakita ko itong malaking ulap na nasisinagan ng araw. Nagliwanag ang kaulapan dahil sa sinag ng araw na tumama nito. Dagdag pa ang kulay asul na kalangitan na siyang nagpapaganda sa langit.

Wala namang senyales na uulan, tuwang-tuwa naman ako dahil sa ulap hindi masyadong mainit ang panahon at ang lugar.

IMG20220501060042.jpg

Isa sa mga magagandang bagay na nakita ko ay ang punong-kahoy na ito na kong tawagin ay Til-ap. Ang bunga ng kahoy na ito ay maganda para sa mga buntis. Isa ito sa mga herbal na gamot, ipapahid lang ang katas nito sa tyan ng buntis para hindi mahirapan sa pagpanganak.

Nagandahan ako sa mga bunga nito kasi makukulay at umpok-umpok. Parang lanzones ang mga bunga nito kaya nakakaakit talagang tingnan. Matitibay ang kahoy nito sa katunayan, ginagawa itong mga mwebles , kabinet at iba pang gamit sa bahay.

IMG20220501055951.jpg

Mahilig din akong kumuha ng letrato gaya ng mga kabute. Isa sa mga kuha kong letrato itong kulay puti na kabute na tumubo nalalantang kahoy. Kadalasan, ang mga ganitong uri ng halaman ay tumutubo sa mga malalamig na lugar gaya sa ilalim ng kahoy, damuhan, at sa gilid ng pampang.

Tumutubo din ito sa mga mababasang lugar dahil mahilig ito sa tubig. Napakatingkad ng kanyang kulay, na siyang nakakabighaning tingnan.

IMG20220501055452.jpg

Iba pa sa mga kabuteng nakita ko ay it9ng kulay kahel na kabute, maganda ang porma nito at maganda din itong gawing palamuti sa bahay. Ang lahat ng kabuteng ito ay hindi makakain at pawang dekorasyon sa bahay lamang.

image.png

Kapag mapanatili natin ang kaayosan at kagandahan ng lugar, matatamasa natin ang tunay na kagandahan ng kalikasan.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice, pahinge Til - ap may buntis kami ahahaha.

Sure ate.. marami dito 😁😁

hala ka interesting anang bunga ..wala pa ko kita ana sa amoa dong

Attractive kaayo ate no? 😊