Diary Game Season 3|| March 31, 2022|| Ang Paglalakbay Ko Sa Ilog

in hive-169461 •  6 months ago  (edited)

Isang mapagpalang Gabi sa ating lahat mga Kaibigan at sa lahat Ng mga myembro dito sa @steemitphilippines.

Ang ibabahagi ko sa Inyo Ngayon at tungkol sa paglalakbay ko sa Ilog noong nakaraang Araw Kasama na Ang kasaganaan at kagandahan Ng Ilog.

IMG20220329103431.jpg

Noong nakaraang Araw ay nakaranas kami Ng masamang panahon, malakasang pag-ulan dahil sa low pressure. Kayak sa ilang Oras na malakasang pag-ulan ay nagbunga ito Ng malakihang pagbaha dito sa Ilog Ng Manticao. Kinaugalian na din Ng mga taong nakatira dito Ang manghuli Ng isda pagkatapos Ng baha.

Habang naglalakad ako sa Ilog para tingnan Ang sitwasyon dulot Ng baha, napansin ko itong Isang taong nanghuhuli Ng isda gamit Ang Isang lambat. Sa bisaya, Ang tawag nito ay "laya", Isang kagamitan para sa panghuhuli Ng isda. Pinagmamasdan ko Kong paano Niya gagamitin Ang lambat at makahuli ba Ng isda. Kapag may baha Kasi ay maraming mga isda sa Ilog kayak napagpasyahan Ng ilang residents na pumunta sa Ilog at manghuli.

IMG20220329103307.jpg

Nang inihagis na Niya Ang lambat Niya soon sa tubig ay dahan-dahan Niya itong kinuha agad. Nakita ko na may mga Huli siyang mga isda at iilang mga hipon o Kong tawagin Namin ay ulang. Itong larawan Ng isda na Nasa palad ko ay tinatawag Namin itong "sangitan". Masarap ito gawing kinilaw at Isa ito sa aming ginagaw kapag makahuli kami Ng isdang katulad nito.

Ang isdang ito ay pwedeng mabuhay sa tubig-tabang o tubig-maalat.Masayang-masaya Ang mangingisda na nakahuli Ng ganitong isda at aniya, libre na daw Ang pang-ulam Ng kanyang pamilya.

IMG20220329103810.jpg

Habang abalang-abala Ang nanghuhuli Ng mga isda, abalang-abala Naman Ang mga batang ito na naliligo sa Ilog. Masayang-masaya Sila sa kanilang ginagaw dahil Ang parte Ng Ilog na pinagliguan nila ay sakto lang Ang lalim kaya napakasaya nilang naligo. Ganyan din ako noong Bata pa ako, mahilig maligo sa Ilog Kasama Ang mga Kaibigan at barkada.

Masaya silang naligo sa Ilog habang ako Naman ay nakatingin sa taong nanghuli Ng mga isda. May ganito din Kasi Ang papa ko pero kalaunan unti-unti itong nasira at Hindi na magamit.

IMG20220329103816.jpg

Makita sa mga Mukha Ng mga Bata Ang pagiging masayahin at walang problema sa Buhay. Talagang nakakamangha Ang Lugar na sagana sa yamang pagkukunan nating Ng mga pagkain gaya Ng mga isda, hipon, alimasag at marami pang iba.

Kong mapanatili Ang kagandahan Ng Lugar ay matatamasa nating talaga Ang pagiging sagana sa Buhay.

Maraming salamat sa pagbasa at magandang Gabi sa ating lahat..

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

duol ra ni sa inyo dong?nindota jud sa inyo place ba

Yes ate, dool Ra gyud sa amoa.. ☺️☺️