Diary Game Season 3|| April 9, 2022|| Ang Pagpunta Ko Sa Ilog

in hive-169461 •  6 months ago 

received_4997604577026317.jpeg

Magandang umaga sa ating lahat mga ka steemians at sa lahat ng mga myembro dito sa @steemitphilippines.

Kapag nakatira tayo sa mga probinsya ay makakita tayo ngga ibat-ibang magagandang bagay, preskong kapaligiran at iba pa. Ito ang ginawa ko noong unang araw. Isa kasi sa mahilig kong gawin ay ang magpasyal sa magaganda at preskong lugar gaya ng ilog.

Ilang araw na kasi akong hindi nakalabas ng bahay dahil sa iilang araw na pag-ulan. Ang unang larawan na ibabahagi ko sa inyo ay ang paglalakad ko sa mabuhangin sa tabing-ilog. Mabuhangin kasi ang ilang parte ng ilog namin dito kaya maraming mga bata ang nagsisipagligo dito.

IMG20220408062312.jpg

Dahil sa nakaraang mga pag-ulan dulot ng sama ng panahon kaya walamg humpay ang pagbaha dito sa amin. Sa aking pagbisita sa ilog, nakikita ko talaga ang malawakang pagbaha. Ang mga lupa ay unti-unting gumuho dahil sa malambot na ito dulot ng pag-ulan. Pahirapan ang pagtawid ng mga tao papunta sa palengke o sa kanilang ibat-ibang destinasyon. Wala kasing tulay dito sa lugar namin.

Kinakailangan pang dumaan sa bundok para makarating sa steel bridge ng Manticao at medyo may kalayuan talaga ito.

IMG20220408061928.jpg

Nangangamba na kami dito dahil sa hindi paghupa ng tubig baha. Unti-unti nang gumuho ang ibang parte ng lupa. Kapag bumabaha dito sa amin, palagi naming minomonitor ang ilog para mapaghandaan namin ang paglikas kong baka sakaling aapaw na ang tubig. Pero kahit medyo malaki ang tubig baha, may mga tao ding pumupunta dito para manghuli ng isda,.hipon at iba pang pagkain. May mga bata ding nagsisipagligo dito,ay mga parte kasi ng ilog na malalim at mababaw at yan ang paborito ng mga bata.

IMG20220408062008.jpg

Pero kahit palaging bumabaha, mabuti rin ito para malinis ang ilog dito sa Manticao. Magkakaroon ulit ng mga hipon, isda at iba pang hayop na pwedeng kainin sa mga residenteng nakatira malapit dito. Ang tanging gagawin pang namin ay maging alerto palagi para sa aming kaligtasan.

1638606703422.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ingats kayo Dyan lahat.

Salamat ate.. 😊😊

Salamat ate..

ingat palagi dong... ang gandang manirahan sa may tabing ilog... pero nakakatakot pala kapag pangit ang panahon.

Yes ate.. kaya todo paghahanda kami dito. Salamat po. 😊

Ingat wyndell.

Salamat ate.. 😊😊

Dapat may mga first aid kit kayo in case of emergency like flashlight, knife, battery, posporo, medical aid, towels, blankets at importante ang tali...sa isang sulok

Yes ate.. Naihanda na namin 😊😊

lumalaki na ang ilog..same dito sa oslob.. mga ilang meters din ang nilaki niya... ingat kau palagi!

Salamat ate.. Ingat din po kayo dyan.. 😊